Army commander bagong AFP chief ni Duterte

Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Army chief Lt. Gen. Gilbert Gapay bilang bagong chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

army commander bagong afp chief ni duterte - Army commander bagong AFP chief ni Duterte
tonite duterte - Army commander bagong AFP chief ni Duterte

Hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Army chief Lt. Gen. Gilbert Gapay bilang bagong chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa kanyang liham kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana nitong Martes, Hulyo 28, inihayag ng Pangulo na kanyang inaprubahan ang appointment ni Gapay bilang AFP chief epektibo sa Agosto 3.

Papalitan ni Gapay ang magreretirong AFP chief of staff Gen. Felimon Santos na aabot na sa kanyang mandatory retirement age na 56 sa Agosto 4. (Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *