‘Araw’ brooch ibibida ng mga babaeng kongresista sa SONA

Isang espesyal na accessory ang masisilayan sa araw ng State of the Nation Address mula sa mga babaeng mambabatas.

araw brooch ibibida ng mga babaeng kongresista sa sona - ‘Araw’ brooch ibibida ng mga babaeng kongresista sa SONA
brooch - ‘Araw’ brooch ibibida ng mga babaeng kongresista sa SONA

Isang espesyal na accessory ang masisilayan sa araw ng State of the Nation Address mula sa mga babaeng mambabatas.

Bilang pagsuporta sa mga Pinoy fashion designer sa panahon ng COVID-19 pandemic, kanlang isusuot ang isang brooch na ginawa ng Philippine Fashion Coalition (PFC) at dinisenyo ng isang baguhang Filipino accessory brand na tumutulong sa mga komunidad ng Gawad Kalinga.

Ito ay binahagi ni Marikina Rep. Stella Quimbo, kung saan tinawag itong ‘Araw’ brooch na sumisimbolo sa pagkakaisa at pag-asa.

“It symbolizes confidence despite challenges, profound wisdom, stability, and unity. Indigenous Inabel fabric is also incorporated into the traditional eight sun rays as the Philippine flag, but interpreted in a half-sun symbol that is meant to show that we are always collaborative and become relevant when complemented and made part of the story, and succeedingly, history,” ayon sa PFC. (RP)

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=155156049563287&id=108052060940353

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *