Aplikasyon ng ferry boat biyaheng Sangley –Manila bubuksan ng Marina

NAKATAKDANG buksan ng Maritime Industry Authority (Marina) ang pagtanggap ng aplikasyon para sa operasyon ng ferry service patungong Sangley airport sa Cavite kasunod ng gagawing paglilipat ng Department of Transportation’s (DOTr) sa ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

The post Aplikasyon ng ferry boat biyaheng Sangley –Manila bubuksan ng Marina appeared first on Abante News Online.

aplikasyon ng ferry boat biyaheng sangley manila bubuksan ng marina - Aplikasyon ng ferry boat biyaheng Sangley –Manila bubuksan ng Marina
marina 1 - Aplikasyon ng ferry boat biyaheng Sangley –Manila bubuksan ng Marina

NAKATAKDANG buksan ng Maritime Industry Authority (Marina) ang pagtanggap ng aplikasyon para sa operasyon ng ferry service patungong Sangley airport sa Cavite kasunod ng gagawing paglilipat ng Department of Transportation’s (DOTr) sa ilang biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Marina officer-in-charge Administrator Narciso Vingson Jr. puntirya ng ahensya na gawing pribado ang operasyon ng ferry service.

“We will privatize it. We will reopen the route and according to the Secretary, it will be open for everybody,” bahaging pahayag ni Vingson.

Makikipag-ugnayan ang Marina sa mga aviation sector official para itakda ang pagbubukas ng transportation service.

Nauna nang sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na magkakaroon ng ferry na kokonekta sa Sangley sa Cavite at Manila sa pamamagitan ng Manila Bay sa ilang flight na ililipat sa Sangley airport.

Sinabi rin ni Tugade na ang lokasyon ng boar-ding area sa ferry boat ay tutukuyin ng Philippine Navy base sa kaligtasaan at seguridad.

Isa ring ikinukunsiderang transportasyon ay ang point to point (P2P) bus mula NAIA patungong Sangley airport para maasistehan ang mga pasahero.

Sumang-ayon na ang mga airline companies na gamitin ang Sangley airport upang mabawasan ang pagsisikip sa NAIA sa sandaling ituloy na ang ilang infrastructure project sa lugar.

The post Aplikasyon ng ferry boat biyaheng Sangley –Manila bubuksan ng Marina appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *