Apela ng Canadian sa kasong child porno sa ‘Pinas binasura

Hindi pinaboran ang apela ng isang Canadian na nahatulan sa mga kasong child luring, possession of child pornography, arranging to have illicit sexual activity with a minor at counseling a person to perform illegal sexual activities.

apela ng canadian sa kasong child porno sa pinas binasura - Apela ng Canadian sa kasong child porno sa ‘Pinas binasura
Abante Basura1 - Apela ng Canadian sa kasong child porno sa ‘Pinas binasura

Hindi pinaboran ang apela ng isang Canadian na nahatulan sa mga kasong child luring, possession of child pornography, arranging to have illicit sexual activity with a minor at counseling a person to perform illegal sexual activities.

Kinasuhan ng korte sa Canada si Wayne Douglas Brown, 67 sa pakikipag-’sex chat’ sa mga tinedyer na babae sa Pilipinas, ayon sa report ng The Daily Courier.

Kasal si Brown sa isang 22-anyos na Pinay at namalagi sa ‘Pinas ng kalahating taon at planong bumisi­ta muli para makakuha ng batang makaka-sex.

Sa kanyang apela, kinuwestiyon ni Brown ang validity ng search warrant na ginamit laban sa mga personal device niya at admission of evidence.

Pero sa ruling ng B.C. Court of Appeal, maayos na naisyu ang search warrant at naprisinta ang malalaswang chat sa mga batang Pilipina at koleksyon ng larawan ng mga bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *