Anti-obstruction bill lusot na sa bicam

LUSOT na sa bicameral conference committee ang panukala laban sa mga sagabal sa mga linya ng kuryente.

The post Anti-obstruction bill lusot na sa bicam appeared first on Abante News Online.

anti obstruction bill lusot na sa bicam - Anti-obstruction bill lusot na sa bicam
anti obstruction - Anti-obstruction bill lusot na sa bicam

LUSOT na sa bicameral conference committee ang panukala laban sa mga sagabal sa mga linya ng kuryente.

Alinsunod sa Anti-Obstruction of Power Lines Act, magkakaroon ng mekanismo para sa mas maayos na maintenance at rehabilitasyon ng mga transmission, sub-transmission, at distribution line upang matiyak na walang interruption sa suplay ng kuryente mula sa mga power plant patungo sa mga consumer.

Ipinagbabawal sa Anti-Obstruction of Power Lines Act ang pagtatanim ng mga tumataas na puno at ha­laman, ang konstruksyon ng mga hazardous improvement, at pagsasagawa ng anumang hazardous activi­ty sa power line corridor.

Nakasaad din ang mga tungkulin at responsibilidad ng mga power line owner at operator sa pagharang at pag-aalis ng mga sagabal sa mga power line, maging ito ay sa pampubliko o pribadong lugar.

Binibigyang awtorisasyon sa panukala ang mga power line owner at operator na humingi ng tulong sa mga local government official, Philippine Natio­nal Police, at Armed Forces of the Philippines sa pagpapatupad ng kanilang responsibilidad.

Naniniwala si Senador Win Gatchalian, ang author at sponsor ng panukala sa Senado na ang approval nito ay napapanahon dahil sa paparating na tag-ulan.

“If there is to be any energy-related lesson to be learned from the many typhoons that have struck our country, it is that keeping power line corridors clear and free from any obstruction or potential deb­ris will minimize the risk of power lines getting da­maged during natural calamities,” saad ni Gatchalian.

“This, in turn, would lessen the time it would take to repair damaged lines and restore power to affec­ted areas,” dagdag nito.(Dang Samson-Garcia)

The post Anti-obstruction bill lusot na sa bicam appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *