Anti-discrimination ‘di SOGIE bill ang urgent kay Duterte

Nilinaw ng Malacañang na ang panukalang batas laban sa diskriminasyon ang sesertipika­hang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte at hindi ang SOGIE bill na para lamang sa mga nabibilang sa third sex.

anti discrimination di sogie bill ang urgent kay duterte - Anti-discrimination ‘di SOGIE bill ang urgent kay Duterte
duterte 101 - Anti-discrimination ‘di SOGIE bill ang urgent kay Duterte

Nilinaw ng Malacañang na ang panukalang batas laban sa diskriminasyon ang sesertipika­hang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte at hindi ang SOGIE bill na para lamang sa mga nabibilang sa third sex.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa kabila ng direktang tanong sa Pangulo noong Martes nang gabi kung ang SOGIE bill ay sesertipikahan nitong urgent na sinagot nito ng ‘yes’.

Ayon kay Panelo, hindi kailangang isang grupo lamang ang gagawan ng batas dahil lalabas ito na class legislation.

Kailangan aniya ang batas ay laban sa lahat ng uri ng diskriminasyon.

“Ang sinasabi ng Presidente iyong ise-certify niya most likely, hindi iyong SOGIE bill, kundi ang anti-discrimi­nation bill. Hindi kasi puwedeng isang class lang ng tao ang gagawan mo ng subject ng isang batas. Kailangan lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kanino mang tao, sa class or person, iyon ang ayaw niya,” ani Panelo.

Sa anti-discrimination bill anang kalihim, ay kasama na rito ang lesbians, gays, bisexual at transgenders (LGBT) dahil ang ayaw ng Presidente ay lahat ng uri ng diskriminasyon.

Sinabi ni Panelo na kabilang sa mga diskriminasyon ay ang hindi pagtanggap sa trabaho dahil sa uri ng pagkatao ng isang aplikante o kaya ay dahil sa edad, kundis­yong pangkalusugan o sexual preference. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *