Anti-dengue day pinadedeklara

Hinikayat ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto ang gobyerno na magdeklara ng ‘Anti-Dengue Day’ para mapa­lawak ang kaalaman ng publiko at kumilos laban sa sakit na ito.

The post Anti-dengue day pinadedeklara appeared first on Abante News Online.

anti dengue day pinadedeklara - Anti-dengue day pinadedeklara
dengue2 - Anti-dengue day pinadedeklara

Hinikayat ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto ang gobyerno na magdeklara ng ‘Anti-Dengue Day’ para mapa­lawak ang kaalaman ng publiko at kumilos laban sa sakit na ito.

Ayon kay Recto, kailangang pumili ang Malacañang ng isang araw kada taon para isagawa ang aktibidad kung papaano lalabanan ang mosquito-borne disease na hindi lang ‘seasonal’ kundi ‘year-round’ na.

“An Executive Order declaring a national fight dengue day or week will be better,” sabi ni Recto sa isang statement.

“Kung may isang araw na ipapakita sa tao kung paano lalabanan si Aedes Aegypti na siyang atin Public Enemy No. 1, malaking tulong ito sa overall campaign. Lalo na doon sa isyu ng kalinisan,” dagdag nito.

Nauna nang naglunsad si Health Secretary Francisco Duque ng prog­rama laban sa dengue, ‘Four S’, na ang ibig sabihin ay ‘search and destroy’, ‘self-protection measures’, ‘seek early consultation’ at ‘support fogging’ subalit sabi ni Recto kailangang pagandahin pa itong mabuti. (Dindo Matining)

The post Anti-dengue day pinadedeklara appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *