Año umamin: Measles outbreak dahil sa vaccine scare

INAMIN ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na kaya kumalat ang tigdas sa bansa ay dahil sa pagkatakot ng magulang na pabakunahan ang kanilang anak dulot ng Dengvaxia incident.

The post Año umamin: Measles outbreak dahil sa vaccine scare appeared first on Abante News Online.

ano umamin measles outbreak dahil sa vaccine scare - Año umamin: Measles outbreak dahil sa vaccine scare
abante Ano - Año umamin: Measles outbreak dahil sa vaccine scare

INAMIN ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na kaya kumalat ang tigdas sa bansa ay dahil sa pagkatakot ng magulang na pabakunahan ang kanilang anak dulot ng Dengvaxia incident.

“The measles outbreak was fueled by a scare which can be corrected through formal information dissemination. The nationwide immunization campaign is a vehicle for us to reverse the measles outbreak and we turn to our LGUs to be our partners in encouraging parents to have their children immunized,” saad ni Año.

Ayon sa kalihim, krusyal ang suporta ng LGU at aktibong partisipasyon ng health workers upang masiguro ang matagumpay na immunization program.

Sinabi pa ni Año na dapat hikayatin ng mga lokal na opisyal ang kanilang constituent na dalhin ang mga dinapuan ng tigdas sa pinakamalapit na center upang maayos na magamot at magkaroon ng proper case management.

“Let’s not wait for another death. For the longest time, we have measles under control, and we can do it again through the LGUs proactive involvement and cooperation of the communities,” dagdag pa niya.

Nag-isyu ng Memo­randum Circular 2019-47 si Año upang pakilusin ang LGUs sa panghihikayat sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang anak sa immunization program ng DOH.

Matatandaang sinisi ng mga kritiko si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta sa Dengvaxia scare kaya’t marami umanong bata ang ayaw magpabakuna kontra sa tigdas. Itinanggi naman ito ni Acosta at sinisi ang kakulangan ng ­supply ng anti-measles ­vaccine. (with PNA)

The post Año umamin: Measles outbreak dahil sa vaccine scare appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *