Año bumuwelta sa mga kritiko ng barrier

Binuweltahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga kritiko ng motorcycle barrier at sinabing hindi sila eksperto sa pandemya para magbigay ng kung ano-anong negatibong komento hinggil sa paglalagay nito.

ano bumuwelta sa mga kritiko ng barrier - Año bumuwelta sa mga kritiko ng barrier
no - Año bumuwelta sa mga kritiko ng barrier

Binuweltahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga kritiko ng motorcycle barrier at sinabing hindi sila eksperto sa pandemya para magbigay ng kung ano-anong negatibong komento hinggil sa paglalagay nito.

Sinabi ito ni Año sa press conference sa Camp Crame matapos tanggapin ang donasyon ng isang grupo na 1,000 backpack-style motorcycle barrier.

“Hindi lang tayo ang gumagamit nito. Nauna pa nga `yong Indonesia at iba pang mga countries kasi ang virus ay nagta-travel via airborne at kung malapit `yong distansya mo puwedeng directly to the person. Ang sabi nila enough na raw `yong helmet at saka `yong face mask kasi `yong helmet meron naman siyang face shield din pero nung ni-review namin `yong mga videos, CCTV along the roads ang nangyayari ay 30 percent ng ating mga gumagamit ng motor after a while tinataas nila `yong kanilang face shield,” sabi ng kalihim.

Dagdag ni Año, madaling bumatikos kung hindi ikaw ang responsable para sa kalusugan ng lahat ng mga mamamayan. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *