Ani ng mga magsasaka, pinabibili sa DA, NFA

Kinalampag ng Malacañang ang Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) para tugunan ang hinaing ng mga magsasaka dahil sa napakamurang presyo ng kanilang aning palay.

The post Ani ng mga magsasaka, pinabibili sa DA, NFA first appeared on Abante.

ani ng mga magsasaka pinabibili sa da nfa - Ani ng mga magsasaka, pinabibili sa DA, NFA
abante mag sasaka - Ani ng mga magsasaka, pinabibili sa DA, NFA

Kinalampag ng Malacañang ang Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) para tugunan ang hinaing ng mga magsasaka dahil sa napakamurang presyo ng kanilang aning palay.

Kasunod ito ng panawagan sa gobyerno ng ilang grupo ng mga magsasaka na bigyang-pansin ang kanilang sektor dahil binabarat umano ang kanilang aning palay at mas mahal pa ang presyo ng face mask kumpara sa kanilang ani.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa pagkakaalam niya ay nagtutulungan ang DA at NFA para maalalayan ang mga magsasaka lalo na ngayong panahon ng COVID pandemic.

“Mayroon naman po talagang pinapautang ang ating Department of Agriculture at iyan ay nakasaad din sa Bayanihan II, bukod sa regular na programa ng ahensiya sa mga ito,” dagdag ni Roque.(Aileen Taliping)

The post Ani ng mga magsasaka, pinabibili sa DA, NFA first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *