Angkla, SB Party-list kinatigan ang Comelec sa ‘Banat formula’

Kinatigan ng dala­wan­g party-list group ang ginawa ng Commission on Elections’ (COMELEC) sa paggamit ng “Banat formula” para sa pagta­talaga ng mga upuan na nakalaan para sa mga accredited party-list group.

The post Angkla, SB Party-list kinatigan ang Comelec sa ‘Banat formula’ appeared first on Abante News Online.

angkla sb party list kinatigan ang comelec sa banat formula - Angkla, SB Party-list kinatigan ang Comelec sa ‘Banat formula’
comelec 8 - Angkla, SB Party-list kinatigan ang Comelec sa ‘Banat formula’

Kinatigan ng dala­wan­g party-list group ang ginawa ng Commission on Elections’ (COMELEC) sa paggamit ng “Banat formula” para sa pagta­talaga ng mga upuan na nakalaan para sa mga accredited party-list group.

Una nang pinuna ni Angkla Party-list nomi­nee Atty. Jess Manalo ang Comelec kasama ang ilang SB Party-list, sa petisyong inihain sa Supreme Court (SC) para ipahinto ang proklamasyon ng mga party-list representative base sa kuwestiyona­bleng sistema ng nakalaang puwesto para sa 2% total votes cast na umano’y nawawala sa party-lists para magkaroon ng patas na representasyon sa Kongreso.

Nabatid na ang Banat formula ay nakuha noong Hulyo 8, 2009 matapos ang desisyon ng SC sa Barangay Association for National Assessment and Transpa­rency (Banat) case na kung saan idineklara ng mataas na hukuman bilang unconstitutiona­l ang pag-ulit ng 2% threshold ng total votes na dapat sanang gawin para sa first round ng party-list vote count.

Ayon naman kay Comelec spokesman James Jimenez na una nang sinabi noong Martes na ang poll body ang makakagamit ng Banat formula sa ilalaan para sa party-list groups.

Sa ilalim ng nasabing formula, lahat ng party-list groups na nakakuha ng 2% vote ay maipapasok sa isang congressional set.

Sa ilalim ng 2% threshold, bibigyan ng ranggo ang mga party-list group base sa kanilang nakuhang boto.

Nakalaan pa ang upuan base sa kanilang nakuhang boto mula sa mataas hanggang pababa na ipapamaha­gi sa mga party-list group na may mataa­s na bracket ng nakuhang boto.

May nakalaan ng tatlong upuan sa Kongres­o ang party-list group na nangunguna.

Sinabi pa ni Manalo na noong nagdaang eleksyon, ang mga marginalized at under-represented group ay nadaan sa daya para sa kanilang karapatan na manilbihan sa Kongreso dahil sa hindi paggamit ng Come­lec ng Banat formula na nakasaad sa Republic Act No. 7941 o mas kilala bilang Party-List System Act. (Vick Aquino)

The post Angkla, SB Party-list kinatigan ang Comelec sa ‘Banat formula’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *