Angkas nahulog na sa motor nagulungan pa ng bus

NASAWI ang 21-anyos na binatilyo nang magulungan ng isang bus makaraang mahulog sa pagkakaangkas sa motorsiklo na umiwas namang makasagi sa tumawid na pedestrian sa Bacoor City, Cavite kamakalawa.

angkas nahulog na sa motor nagulungan pa ng bus - Angkas nahulog na sa motor nagulungan pa ng bus
patay 2 - Angkas nahulog na sa motor nagulungan pa ng bus

NASAWI ang 21-anyos na binatilyo nang magulungan ng isang bus makaraang mahulog sa pagkakaangkas sa motorsiklo na umiwas namang makasagi sa tumawid na pedestrian sa Bacoor City, Cavite kamakalawa.

Idineklarang dead-on-arrival sa St. Dominic Medical Center ang biktimang si Dave Agustin ng Barangay Mambog 1, Bacoor City, Cavite habang ginagamot din sa nasabing ospital ang driver ng motorsiklo na si Jeric Realiza, 23-anyos, tricycle driver, at Rizaldo Baliber, 57, security guard ng Sitio Malumot Brgy. Panapaan 7, Bacoor City, Cavite.

Kinilala ang driver ng nakabanggang bus na may plakang TXZ 366 na si Vicente Dugang, 46 ng Barangay Mataas na Lupa, Indang, Cavite at sinampahan ng kasong paglabag sa reckless imprudence resulting to homicide.

Sa ulat ni PSMSgt. Feciano Garcia II ng Bacoor City Cavite, naganap ang insidente dakong alas-5:18 kamakalawa nang hapon sa harapan ng isang eskuwelahan sa Barangay Habay 2.

Patungo umano sa Barangay Mambog sina Agustin at Realiza pero bigla umanong tumawid si Baliber kaya nahagip ito.

Pagkabangga kay Baliber, pumihit sa kanang bahagi ng kalsada ang motorsiklo dahilan upang malaglag si Agustin na siya namang padating ang isang bus na minamaneho ni Dugang na patu­ngo naman sa Maynila kaya nakaladkad ang bahagi ng kanyang motorsiklo.

Dahil dito, pumailalim ang katawan ni Agustin sa bus na nagresulta sa kanyang kamatayan. (Gene Adsuara)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *