Angat sa NCR: Taguig nanguna sa kampanya kontra polio

NANGUNA ang Taguig sa mga local government unit sa Natio­nal Capital Region (NCR) sa pagpapatupad ng ‘Sabayang Patak kontra Polio’ (SPV) campaign ng Department of Health (DOH).

angat sa ncr taguig nanguna sa kampanya kontra polio - Angat sa NCR: Taguig nanguna sa kampanya kontra polio
ABANTE Taguig 1 - Angat sa NCR: Taguig nanguna sa kampanya kontra polio

NANGUNA ang Taguig sa mga local government unit sa Natio­nal Capital Region (NCR) sa pagpapatupad ng ‘Sabayang Patak kontra Polio’ (SPV) campaign ng Department of Health (DOH).

Sa ika-11 araw ng 14-day program, nakakuha ang Taguig ng rating na 102 percent at nasungkit ang pinakamataas na puntos sa mga siyudad at munisipalidad sa NCR dahil sa 96,866 nabakunahan sa Taguig.

Ang resulta ay dumaan sa va­lidation ng DOH at World Health Organization, na nagsagawa ng rapid coverage assessment.

Kasunod ng pag-anunsyo ng polio outbreak sa bansa noong Sept. 19, ang City of Taguig ay agarang pinalakas ang kampan­ya kontra sa nasabing sakit sa pamamagitan ng pagsagawa ng pagbabakuna sa mga barangay health center at house-to-house visit.

Nakalinya ito sa DOH Me­morandum No. 2019-0318 na nananawagan sa pagpapatupad sa NCR ng nasabing SPV campaign mula Oct. 14-27 at Nov. 25-Dec. 7.

Matapos ang pagkilala, agad na nagpahayag ng kagalakan si DOH Health Policy and Systems Development Undersecretary Mario Villaverde sa probinsyudad sa epektibong pagpapatupad ng anti-polio drive.

Bilang sagot naman sa pagkilala, saad ni Taguig City National Immunization Program Coordinator Dr. Jennifer Lou Lorico-De Guzman na ang puntos ay patunay na mas malawak ang proteksyon na ibinigay ng lungsod sa mga residente laban sa polio virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *