Angara sa mga employer: Iwasan ang diskriminasyon sa kababaihan

Angara sa mga employer: Iwasan ang diskriminasyon sa kababaihan

IWASAN natin ang diskriminasyon sa trabaho. Hindi dapat ipinakikitang mas pinapaboran ang kala­lakihan ­kum­para sa kababaihan dahil ­lamang sa pag-iwas ng mga kompanya sa pagbabayad ng dagdag benepisyo partikular ang pagbabayad sa maternity leave claims.

The post Angara sa mga employer: Iwasan ang diskriminasyon sa kababaihan appeared first on Abante News Online.

angara sa mga employer iwasan ang diskriminasyon sa kababaihan - Angara sa mga employer: Iwasan ang diskriminasyon sa kababaihan
angara 8 - Angara sa mga employer: Iwasan ang diskriminasyon sa kababaihan

IWASAN natin ang diskriminasyon sa trabaho. Hindi dapat ipinakikitang mas pinapaboran ang kala­lakihan ­kum­para sa kababaihan dahil ­lamang sa pag-iwas ng mga kompanya sa pagbabayad ng dagdag benepisyo partikular ang pagbabayad sa maternity leave claims.

Ito ang pakiusap ngayon ni re-electionist Senator Sonny Angara sa mga employer na umaming iniiwasan nila ang pagkuha sa serbisyo ng kababa­ihan sa kanilang tanggapan dahil nga anila sa maternity leave na kailangang bayaran pa rin nang buo.

“Sana, iwasan ng mga employer na mag-hire ng mga bagong empleyado na gender-based, lalo’t ang intensyon nila ay iwasan ang pagbabayad ng maternity benefits. Hindi ito patas at higit sa lahat, ang ganitong gawain ay iligal,” ani Angara, co-author at sponsor ng RA 11210 na naglalayong palawakin ang paid maternity leave nang hanggang 105 na araw mula sa orihinal na 60 days lamang.

Reaksyon ito ng senador kaugnay sa isinagawang survey ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na nagsasabing malaki umano ang magiging epekto ng Expanded Maternity Leave sa desisyon ng mga kompanya na kunin ang serbisyo ng mga babaeng emple­yado. 

The post Angara sa mga employer: Iwasan ang diskriminasyon sa kababaihan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *