Angara: 4Ps cash aid agarang ipamahagi

DAPAT tiyakin ng administrasyon na walang anumang balakid sa pagpapalabas ng cash benefits para sa mahigit apat na milyong household beneficiaries sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno.

The post Angara: 4Ps cash aid agarang ipamahagi appeared first on Abante News Online.

angara 4ps cash aid agarang ipamahagi - Angara: 4Ps cash aid agarang ipamahagi
abante Angara 3 - Angara: 4Ps cash aid agarang ipamahagi

DAPAT tiyakin ng administrasyon na walang anumang balakid sa pagpapalabas ng cash benefits para sa mahigit apat na milyong household beneficiaries sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno.

Ito ang tahasang pahayag ni reelectionist Senator Sonny Angara sa kanyang pagbisita sa lalawigan ng Palawan, kung saan naroon ang mahigit 70,000 family beneficiaries ng 4Ps. Kasama ng senador na bumisita sa nasabing probinsya ang mga kandidato ng PDP-Laban, ang partido ng Pangulong Duterte.

Ani Angara, malaking pakinabang para sa pinakamahihirap na pamilya ang implementasyon ng 4Ps na may 12 taon nang ipinatutupad sa bansa.

Aniya, dahil sa 4Ps, mara­ming mahihirap na estudyante ang nakapag-aaral, maraming pamilya ang nagiging malusog at marami sa kanila ay nakararaos sa matinding kahirapan.

Unang ipinatupad noong 2007, nilalayon ng 4Ps na mabigyan ng magandang edukasyon ang mga batang mahihirap at masiguro ang kalusugan ng mga ito mula edad 0 hanggang 18.

Kabilang sa mga lokalidad ng Palawan na nasa ilalim ng 4Ps ang Puerto Princesa na may 7,546 household beneficiaries; Bataraza, 7,007 households; Taytay, 6929 at Rizal, 5,228.

“Ang tulong, dapat laging napapanahon. Huwag na po nating paghintayin ang mga kababayan nating mahihirap na nakikinabang sa 4Ps. Sana ay gawan ng paraan upang hindi maantala ang ayuda sa kanila,” ayon kay Angara, muling tumatakbong senador sa ilalim ng platapormang “Alagang Angara.” (Dang Samson Garcia)

The post Angara: 4Ps cash aid agarang ipamahagi appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *