Ang sanggano ng Kongreso

ANG SANGGANO NG KONGRESO

HINDI pa man pormal nag-uumpisa ang ika-18 Kongreso, nasangkot agad sa kontrobersya ang isang party-list congressman matapos umanong manapak ng isang waiter sa Lungsod ng Legazpi.

The post Ang sanggano ng Kongreso appeared first on Abante News Online.

ang sanggano ng kongreso - Ang sanggano ng Kongreso
sanggano - Ang sanggano ng Kongreso

HINDI pa man pormal nag-uumpisa ang ika-18 Kongreso, nasangkot agad sa kontrobersya ang isang party-list congressman matapos umanong manapak ng isang waiter sa Lungsod ng Legazpi.

Ayon sa salsaysay ni Christian Ken Alejo, 20 taong gulang, residente ng Legazpi City at waiter sa Bigs Diner sa nasabi ring lungsod, bandang alas-3:40 nang madaling-araw ng Hul­yo 7, siya’y sinuntok ng isang Alfred delos Santos, na kalaunan ay napag-alaman na kongresista pala ng Ang Probinsyano Party-list.

Paliwanag ni Alejo, nalalabuan pa din siya kung bakit siya sinuntok ni Delos Santos na nangangamoy alak umano noong mangyari ang insidente.

Inaayos lang umano ni Alejano ang placemat sa mesa ng pinupwestuhan ng kongresista at iba pa nitong kasamahan sa loob ng nasabing restaurant nang pagsabihan siya ni Delos Santos na masama umano siya kung makatingin.
“Nata maraoton ka makailing (Bakit ang sama mong makatingin),” ang sabi ng kongresista kay Alejo sa wikang Bicolano.

Tinawag, aniya siya ni Delos Santos, at nang bumalik sa may mesa ng kongresista, sabay inumbahan siya ng sinuntok.

Ayon kay Alejo, nai­lagan umano niya ang kamao ng kongresista at sa sombrero lang niya ito tumama.

Sabi ni Alejo, may mga emisaryo na umano si Delos Santos na nagtatangkang umareglo sa kanya su­balit tinanggihan niya ito.

Si Delos Santos umano ay kilalang bata ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda base sa mga mapagkakatiwalaang sources ng Abante. (JC Cahinhinan)

The post Ang sanggano ng Kongreso appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *