‘Ang Probinsyano’ kinuyog sa karahasan

‘Ang Probinsyano’ kinuyog sa karahasan

INULAN ng negatibong reaksyon ang isang eksena ng teleseryeng ‘Ang Probinsyano’ ng ABS-CBN na ipinalabas nitong Lunes nang gabi kung saan ginagahasa ang isang policewoman na nakausot ng uniporme ng Philippine National Police (PNP).

The post ‘Ang Probinsyano’ kinuyog sa karahasan appeared first on Abante News Online.

ang probinsyano kinuyog sa karahasan - ‘Ang Probinsyano’ kinuyog sa karahasan
bungo - ‘Ang Probinsyano’ kinuyog sa karahasan

INULAN ng negatibong reaksyon ang isang eksena ng teleseryeng ‘Ang Probinsyano’ ng ABS-CBN na ipinalabas nitong Lunes nang gabi kung saan ginagahasa ang isang policewoman na nakausot ng uniporme ng Philippine National Police (PNP).

Ang nasabing eksena kung saan gagahasain ni Baron Geisler na gumanap bilang si Bungo, lider ng isang sindikato, habang ang dalawang miyembro ng sindikato ay hawak sa dalawang kamay ang babaeng pulis.

Umusok ang negatibong komento ng mga netizen sa naturang eksena ng teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.

“Naasar ako na parang ewan kasi babae ang pinagtripan mabuti sana kung lalaki .. kaya mga eksena sa penekula ginagaya ng mga tao,” komento ng isang Loyghada Francisco

“Masyado ng bayolente ang fpj haysss nakakakuha tuloy ng idea mga criminal,” litanya naman ni Ems Silang.

“How to Rape A Girl.. Watch ang probinsyano!!”, saad naman ni Julius Jason Daria.

“Tama nay an, tigilan nay an, di na po kaaya-aya ang istorya, MEMA maipalabas na lang, mas madami negative comments at feedback kesa sa nagagandahan pa sa palabas, masyadong toxic at lalo lang nai-stress mga viewers..paging mga kapulisan, paki sampolan nga pala ulit ang palabas na ito, di na natuto,” pahayag naman ni Ma. Leah Cruz.

Ang nasabing eksena ay pinalagan din ng pamunuan ng PNP at base sa ipinalabas na statement ni Police Lt. Col. Kim Molina, na kakausapin nila ang production staff ng ABS-CBN at titingnan nila ang posibleng violation ng estasyon sa kanilang Memorandum of Understanding.

“In light of the concern raised by netizens and police officers on the ‘Ang Probinsiyano’ scene where policewomen in uniform were being harassed and raped, we will talk to the Production Staff of ABS CBN and look at possible violation of our existing Memorandum of Understanding. Depending on the extent of the violation we may warn them or rescind the said MOU. Thank you and good afternoon,” saad sa statement ng PNP.

Sa nasabing MOU na nilagdaan noong Nobyembre 2018, patuloy na pahihintulutan ng PNP ang paggamit ng kanilang resources tulad ng patrol car, venue, personnel, firearms at iba pang gadget sa teleserye. Sa bahagi naman ng ABS-CBN, patitingkarin nila ang papel ni Cardo Dalisay bilang police officer na may dedikasyon at integridad na magsilbi at magbigay ng proteksyon sa mga tao dahil sa ginagampanan nitong karakter bilang miyembro ng PNP. (Edwin Balasa)

The post ‘Ang Probinsyano’ kinuyog sa karahasan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *