Anakalusugan: 70 Pinoy ang namamatay kada araw sa TB

NAGBABALA ang Anakalusugan party-list sa nagbabadyang epi­demya ng tuberculosis sa Pilipinas kung saan aabot sa halos walong milyong Pilipino ang may sakit na TB.

The post Anakalusugan: 70 Pinoy ang namamatay kada araw sa TB appeared first on Abante News Online.

anakalusugan 70 pinoy ang namamatay kada araw sa tb - Anakalusugan: 70 Pinoy ang namamatay kada araw sa TB
TB - Anakalusugan: 70 Pinoy ang namamatay kada araw sa TB

NAGBABALA ang Anakalusugan party-list sa nagbabadyang epi­demya ng tuberculosis sa Pilipinas kung saan aabot sa halos walong milyong Pilipino ang may sakit na TB.

Ayon kay Anakalusugan party-list nominee Mike Defensor, kailangan ng agarang aksyon para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng may TB sa bansa.

“Hindi nagsisinungaling ang datos. Ayon sa World Health Organization, Pilipinas ang ikatlo sa may pinakamataas na bilang ng TB cases sa buong mundo, sunod lamang sa South Africa at Lesotho,” ani Defensor.

“Ang higit na nakakabahala, habang sa ibang bansa ay buma­baba ang bilang ng insidente ng TB, sa atin naman ay patuloy itong tumataas,” dagdag pa niya.
Nauna nang inihayag ni Doc Willie Ong, tumatakbong senador at partner ng Anakalusugan, na aabot sa walong milyong Pilipino ang may TB.

Mas mataas ito sa opisyal na datos ng Department of Health kung saan isang milyong Pilipino lamang ang naitala na may sakit na tuberculosis.

“Ang tuberculosis ay isang highly curable disease, subalit ito ang numero unong nakamamatay na sakit sa lahat ng mga infectious diseases. Sa Pilipinas, mahigit 70 Pilipino ang namamatay araw-araw dahil sa TB,” ani Defensor.

“Walang dapat mamatay sa TB kung maaagapan lamang. Ang problema lang ay mahal ang gamutan para dito. Kaya naman isinusulong ng Anakalusugan na gawing libre ang diagnostic tests, kabilang ang chest x-ray screening, para maagang malaman kung ikaw ay may TB.”

Sinusugan din ni Defensor ang panawagan ng WHO para sa higit na agresibong information campaign laban sa TB.

Kasama sa commitment ng Pilipinas sa WHO ang tuldukan ang TB sa taong 2030.
Target din ng gobyerno na ibaba ng kalahati ang bilang ng namamatay sa TB mula 22,000 hanggang 11,000.

The post Anakalusugan: 70 Pinoy ang namamatay kada araw sa TB appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *