Anak ni Samboy Lim summa cum laude sa UP

Umabot sa 55 estud­yante ng University of the Philippines – Diliman ang nagsipagtapos na summa cum laude, kabilang na dito ang anak ni PBA legend Samboy Lim at dating Pag-IBIG CEO Darlene Berberabe.

The post Anak ni Samboy Lim summa cum laude sa UP appeared first on Abante News Online.

anak ni samboy lim summa cum laude sa up - Anak ni Samboy Lim summa cum laude sa UP
ABANTE Lim - Anak ni Samboy Lim summa cum laude sa UP

Umabot sa 55 estud­yante ng University of the Philippines – Diliman ang nagsipagtapos na summa cum laude, kabilang na dito ang anak ni PBA legend Samboy Lim at dating Pag-IBIG CEO Darlene Berberabe.

Ayon sa UP Diliman, si Jaime Christine Berberabe Lim ay nagtapos ng Bachelor of Science in Mathematics na may weighted average grade (WAG) na 1.073.

Ang summa cum laude ay ibinibigay lamang sa mga graduate na may weighted ave­rage grade na 1.20 o mas mataas pa.

Ang anak nina Lim at Berberabe ay gagraduate­ na valedictorian ng UP College of Science.

Tatanggap din siya ng Joker Arroyo Medal­ for Oustanding BS ­Graduate in Mathematics.

Sa tala ng Office of the University Registrar, mayroong 1,058 ang magtatapos na magna cum laude, habang 392 ang cum laude.

Kabuuang 5,050 ang magsisitapos kung saan 3,981 dito ay makakatanggap ng baccalaureate degree habang 1,069 naman ang bibigyan ng graduate diploma, master’s at doctoral degree.

Gagawin ang commencement exercises ngayong Linggo, Hunyo 30, alas-siyete nang umaga sa UP Ampitheather.

The post Anak ni Samboy Lim summa cum laude sa UP appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *