Anak ng OFW na biktima ng serial killer sa Cyprus natunton

NATUNTON ng mga diver ang naagnas na bangkay ng isang batang Pinoy sa isang ilog na pinaniniwalaang isa sa biktima ng serial killer sa Cyprus nitong Miyerkoles, Hunyo 12.

The post Anak ng OFW na biktima ng serial killer sa Cyprus natunton appeared first on Abante News Online.

anak ng ofw na biktima ng serial killer sa cyprus natunton - Anak ng OFW na biktima ng serial killer sa Cyprus natunton
killer 1 - Anak ng OFW na biktima ng serial killer sa Cyprus natunton

NATUNTON ng mga diver ang naagnas na bangkay ng isang batang Pinoy sa isang ilog na pinaniniwalaang isa sa biktima ng serial killer sa Cyprus nitong Miyerkoles, Hunyo 12.

Ang pagkakatagpo sa mga labi ng 6-anyos na si Sierra Grace malapit sa isang village sa Xiliatos, Cyprus ang nagbigay-li­naw sa pag-amin ng isang army captain na pumatay sa pitong dayuhang kababaihan noong Abril 25 na kinabibila­ngan ng ilang Pinay.

Ang bangkay ng bata ay napag-alamang ibi­nalot sa isang kumot at tinali sa isang bloke ng semento na natagpuan sa ilog na may lalim na 20 talampakan.

Natagpuan ang bata sa lugar na itinuro ng suspek sa mga awtoridad.

Si Sierra Grace ay anak ng overseas Filipino worker na si Mary Rose Tiburcio, 38-anyos na natagpuan din ang bangkay sa ilog ay sinasabing nakarelasyon ng suspek at isa pang napatay ding Pinay na si Arian Palanas-Lozano.

The post Anak ng OFW na biktima ng serial killer sa Cyprus natunton appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *