Anak ng Mexican drug lord pinalaya matapos ang 4 oras na barilan

NAHULI ng mga pulis sa Mexico ang anak ng kilabot na drug lord na si Joaquin ‘El Chapo’ Guzman subalit pinalaya rin matapos silang ratratin sa loob ng apat na oras ng mga miyembro ng Sinaloa Drug Cartel.

anak ng mexican drug lord pinalaya matapos ang 4 oras na barilan - Anak ng Mexican drug lord pinalaya matapos ang 4 oras na barilan
baril 11 - Anak ng Mexican drug lord pinalaya matapos ang 4 oras na barilan

NAHULI ng mga pulis sa Mexico ang anak ng kilabot na drug lord na si Joaquin ‘El Chapo’ Guzman subalit pinalaya rin matapos silang ratratin sa loob ng apat na oras ng mga miyembro ng Sinaloa Drug Cartel.

Dadalhin sana sa Estados Unidos si Ovidio ‘The Mouse’ Guzman kung saan nakakulong ang kanyang ama pero nagdatingan ang mga gang kaya’t napasabak sa barilan ang mga awtoridad.

Matapos ang mahabang palitan ng putok, nagdesisyon ang security forces ng Mexico na umatras at iwanan si Ovidio sa hideout nito sa Culiacan.

Pitong katao ang namatay, lima ay mula sa Sinaloa Gang, isang miyembro ng national guard at isang sibilyan.

Sinuspinde ng Security Cabinet ng Mexico ang operasyon upang mailigtas ang mga sibilyan na madamay sa bakbakan ng magkabilang panig.

Inamin ni Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador na kinailangan nilang palayain ang naarestong anak ni El Chapo upang hindi madamay ang mga sibilyan sa war zone.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *