Anak ng farmer sunod na Japan PM

Mula sa isang prominenteng pamilya, maipapasa naman sa payak na tao ang pamumuno sa Japan.

The post Anak ng farmer sunod na Japan PM first appeared on Abante.

anak ng farmer sunod na japan pm - Anak ng farmer sunod na Japan PM
abante Yoshihide Suga - Anak ng farmer sunod na Japan PM

Mula sa isang prominenteng pamilya, maipapasa naman sa payak na tao ang pamumuno sa Japan.

Ito’y dahil isang anak ng magsasaka ang nangunguna para magsilbing sunod na prime minister ng Japan matapos magbitiw sa pwesto ni Shinzo Abe dahil sa kanyang kalusugan.

Pinagbotohan na ng Liberal Democratic Party ang magiging kapalit ni Abe, at ang 71-anyos na si Yoshihide Suga ang napili nilang sunod na maluklok bilang Japan prime minister.

Si Suga ay ang tinuturing na kanang-kamay ni Abe sa buong katungkulan nito sa pwesto, nagsilbi bilang cabinet secretary ng dating prime minister.

Hindi naging madali para kay Suga ang makapasok sa politika, nagtrabaho muna sa palengke at pabrika para makapag-ipon ng pera sa kolehiyo.

Kinalaunan ay tumakbo si Suga para maging parte ng city council ng Yokohama, kung saan nagbahay-bahay siya sa kanyang pangangampanya dahil salat sa koneksyon at karanasan.

The post Anak ng farmer sunod na Japan PM first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *