Anak na tumodas sa ex-NFL player, ermat huli sa Mexico

TIKLO ang anak ng isang retiradong player ng NFL na nagtago sa Mexico matapos na patayin ang mga magulang sa Minnesota.

anak na tumodas sa ex nfl player ermat huli sa mexico - Anak na tumodas sa ex-NFL player, ermat huli sa Mexico
arrest 6 - Anak na tumodas sa ex-NFL player, ermat huli sa Mexico

TIKLO ang anak ng isang retiradong player ng NFL na nagtago sa Mexico matapos na patayin ang mga magulang sa Minnesota.

Ang suspek na si Dylan John Bennett ay natimbog sa Cancun, Mexico dahil sa kagaspangan ng ugali nitong Sabado, Agosto 24.

Matatandaang natagpuang patay ang mga magulang ni Bennett na sina Barry at Carol Bennett na may tama ng bala ng baril sa kanilang bahay noong nakaraang Miyerkoles (Agosto 21). Si Dylan ay nadiskubreng bumili ng tiket patungong Cancun dahilan para i-track ng mga awtoridad ang galaw nito kabilang ang kanyang cellphone at credit card at ipinagbigay-alam sa mga awtoridad sa Mexican.

Matapos maaresto sa hotel sa Cancun ay tumawag si Bennet sheriff department at ipinagbigay-alam ang planong pagsuko.

Ang napatay na si Barry Bennet, 63-anyos ay naglaro ng 11 season sa Minnesota Vikings, New York Jets at New Orleans Saints ng National Football League.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *