Amoy umalingasaw: 3 timbog sa pot session

BUKING ang ginaga­wang pot session ng tatlong katao sa loob ng isang kubo dahil sa umalingasaw na amoy sa Rosario, Cavite.

The post Amoy umalingasaw: 3 timbog sa pot session appeared first on Abante News Online.

amoy umalingasaw 3 timbog sa pot session - Amoy umalingasaw: 3 timbog sa pot session
3 huli sa shabu session - Amoy umalingasaw: 3 timbog sa pot session

BUKING ang ginaga­wang pot session ng tatlong katao sa loob ng isang kubo dahil sa umalingasaw na amoy sa Rosario, Cavite.

Kinilala ang mga naaresto na sina David Aquino, 47, may asawa; Oliver Ramos, 38, binata, vendor; at Mark Joseph Morales, 25, binata, pawang mga resi­dente ng Brgy. Ligtong III, Rosario Cavite at nasa listahan ng newly identified drug personality.

Sa ulat ni P/SSgt. Ele­azar Tagalog ng Rosario Municipal Police Station, nakatanggap ng tawag ang Noveleta Police sa sumbong ng ilang residente, ukol sa masangsang na amoy na nanggagaling sa isang kubo malapit sa lugar na pag-aari ng isang alyas David sa Brgy. Ligtong II.

Agad namang rumes­ponde ang pulisya kung saan naaktuhan ang mga suspek habang humihit­hit ng shabu.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang dala­wang sachet ng shabu, aluminum foil at dispo­sable lighter. (Gene ­Adsuara)

The post Amoy umalingasaw: 3 timbog sa pot session appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *