Amok sa Tokyo: 2 patay, 15 estudyante sugatan

Patay ang isang mag-aaral at 39-anyos na lalaki habang 15 iba pang batang babaeng mga estud­yante ang sugatan sa pag-atakeng ginawa ng isang kelot sa grupo ng mga mag-aaral ng isang eskuwelahan sa Tokyo, Japan.

The post Amok sa Tokyo: 2 patay, 15 estudyante sugatan appeared first on Abante News Online.

amok sa tokyo 2 patay 15 estudyante sugatan - Amok sa Tokyo: 2 patay, 15 estudyante sugatan
abante Tokyo - Amok sa Tokyo: 2 patay, 15 estudyante sugatan

Patay ang isang mag-aaral at 39-anyos na lalaki habang 15 iba pang batang babaeng mga estud­yante ang sugatan sa pag-atakeng ginawa ng isang kelot sa grupo ng mga mag-aaral ng isang eskuwelahan sa Tokyo, Japan.

Nangyari ang atake sa lungsod ng Kawasaki habang hinihintay ng mga bata ang kanilang magulang sa isang bus stop bandang alas-7:45 nang umaga kahapon.

Nagsaksak naman sa balikat at leeg ang suspek nang arestuhin na agad niyang ikinamatay.

Ayon kay Kiyoshi Matsuda, deputy director ng Nippon Medical School Musashi Kosugi Hospital kabilang sa nasawi dahil sa ma­tinding sugat ay isang 12-anyos na school girl at 39-anyos na lalaki.

Napag-alaman sa ilang nakasaksi sa krimen na basta na lamang nanghalihaw ng saksak ang suspek sa mga bata habang nakapila at hinihintay ang kanilang school bus.

Ang mga bata ay may edad na 6 hanggang 12 na pawang estudyante ng isang private Catholic school.

The post Amok sa Tokyo: 2 patay, 15 estudyante sugatan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *