Amo kinain ng alagang aso sa Texas

Nadiskubre ng mga awtoridad sa Texas na kinain ng kanyang 18 alagang mixed-breed na aso ang isang 57-anyos na lalaki.

The post Amo kinain ng alagang aso sa Texas appeared first on Abante News Online.

amo kinain ng alagang aso sa texas - Amo kinain ng alagang aso sa Texas
abante aso - Amo kinain ng alagang aso sa Texas

Nadiskubre ng mga awtoridad sa Texas na kinain ng kanyang 18 alagang mixed-breed na aso ang isang 57-anyos na lalaki.

Nabatid kay Johnson County Deputy Aaron Pitts, kinain umano ng 18 mixed-breed na mga aso ang katawan ng biktimang si Freddie Mack pati na rin ang damit at buhok nito.

Nalaman na ang mga buto ng biktima ay nagkalasog lasog at kinain.

May karamdaman umano si Mack at inaalam pa ng mga awtoridad kung pinatay ng mga aso ang biktima o kinain ng mga ito ang bangkay matapos nitong mamatay dahil sa kanyang sakit.

“Either way, it is a very gruesome event and we extend our sympathy to Freddie Mack’s family,” ayon kay Sheriff Adam King.

Sa isinagawang pagsusuri ng mga medical exa­miners sa natagpuang pira-pirasong buto mula sa dumi ng mga aso, nalaman na ito ay galing kay Mack. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Amo kinain ng alagang aso sa Texas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *