Amo buwis buhay sa pagligtas ng aso

Sinaluduhan sa social media ang mga nasalanta na sinuong ang baha para sa kanilang mga alagang hayop.

The post Amo buwis buhay sa pagligtas ng aso first appeared on Abante.

amo buwis buhay sa pagligtas ng aso - Amo buwis buhay sa pagligtas ng aso
abante amo aso - Amo buwis buhay sa pagligtas ng aso

Sinaluduhan sa social media ang mga nasalanta na sinuong ang baha para sa kanilang mga alagang hayop.

Sa viral post ng radio anchor na si Vince Villar, pinuri ng mga netizen ang mga amo na bitbit ang kanilang aso para mailagay din ito sa ligtas na lugar.

Ang mga kuhang larawan ni Villar ay nagmula sa rehiyon ng Bicol, na pinakamatinding tinamaan ng hagupit ng bagyong Rolly.

“Maswerteng mga aso sa mababait na amo,” caption sa naturang Facebook post.

Matatandaan na nitong Linggo ay minungkahi ni Vice President Leni Robredo na magkaroon din ng hiwalay na evacuation center para sa mga alagang hayop at farm animal.

Ito’y dahil mayroon aniyang napipilitang maiwan sa mga tahanan para mabantayan ang kanilang mga alaga.

The post Amo buwis buhay sa pagligtas ng aso first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *