Amerikano na nangkidnap ng 2 anak sisipain ng BI

NAKATAKDANG ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang 60-anyos na Amerikano na nadakip sa Samal Island, Davao del Norte dahil sa umano’y pagdukot sa dalawang anak na dalagita.

The post Amerikano na nangkidnap ng 2 anak sisipain ng BI appeared first on Abante News Online.

amerikano na nangkidnap ng 2 anak sisipain ng bi - Amerikano na nangkidnap ng 2 anak sisipain ng BI
abante BI NEFO - Amerikano na nangkidnap ng 2 anak sisipain ng BI

NAKATAKDANG ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang 60-anyos na Amerikano na nadakip sa Samal Island, Davao del Norte dahil sa umano’y pagdukot sa dalawang anak na dalagita.

Nasa kustodiya ng BI detention facility sa Bicutan, Taguig City si Leo James Chaplin na naaresto noong Biyernes sa loob ng kanyang bangka sa Ocean View Yacht Club.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, si Chaplin ay agad na ide-deport matapos babaan ng deportation order ng board of commissio­ners noong Hunyo ng nakaraang taon dahil sa pagiging isang undesirable at undocumented na dayuhan.

Si Chaplin ay inakusahan ng pagdukot sa dalawa nitong anak na umano’y dinala niya sa Pilipinas noong Nobyembre 2014 nang walang pahintulot sa ina ng mga bata.

Nabatid na dumating si Chaplin sa bansa apat na taon na ang nakakaraan at iligal na nanatili ito sa bansa mula Abril 2017 nang mag-expire ang kanyang working visa.

Hindi na rin makakabalik ng Pilipinas si Chaplin pagkatapos ng kanyang deportasyon dahil isinama na ang kanyang pangalan sa blacklist ng BI. (Mina Aquino)

The post Amerikano na nangkidnap ng 2 anak sisipain ng BI appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *