Ambulansya sumalpok sa puno: 2 dedo, 4 sugatan

Patay ang dalawa katao habang malubhang nasugatan naman ang apat na iba pa kabilang ang isang buntis matapos na sumalpok sa puno ang sinasak­yan nilang ambulansya kahapon nang umaga sa bayan ng Ocampo,Camarines Sur.

ambulansya sumalpok sa puno 2 dedo 4 sugatan - Ambulansya sumalpok sa puno: 2 dedo, 4 sugatan
patay 6 - Ambulansya sumalpok sa puno: 2 dedo, 4 sugatan

Patay ang dalawa katao habang malubhang nasugatan naman ang apat na iba pa kabilang ang isang buntis matapos na sumalpok sa puno ang sinasak­yan nilang ambulansya kahapon nang umaga sa bayan ng Ocampo,Camarines Sur.

Dead on-the-spot ang dalawang biktima na sina Rhodora Labanon, midwife, at Janice Eva y Hernandez, nurse ng Ocampo LGU, pawang nasa hustong gulang, samantala, nasa malubhang kalagayan sa Bicol Medical Center ang buntis na si Hanelen Mendoza, drayber ng ambulansyang si Jose Dela Rama at dalawang iba pa na inaalam pa ang pangalan.

Sa inisyal an ulat na natanggap ni Police Major Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Offcie (PRO) 5, naganap ang insidente dakong alas-6:20 nang umaga sa Barangay Ayugan ng nabatid na bayan.

Nauna dito, rumisponde ang ambulansya ng Ocampo Local Government Unit (LGU) na may plakang FQR-866 sa Brgy. San Vicente upang isugod sa pagamutan ang manganganak ng si Mendoza.

Napag-alaman na mabilis na isinugod ang buntis sa pagamutan habang sakay din ang apat na biktima sa loob nito subalit pagdating sa Zone 4, Brgy.
Ayugan ay nawalan umano ng kontrol sa manibela ang drayber na si Dela Rama dahilan upang malakas na bumangga ang ambulansya sa isang malaking puno sa tabing kalsada.

Sa lakas ng pagsalpok ay parang piniping lata ang unahan ng sasakyan dahilan ng agarang kamatayan nina Labanon at Eva habang ang apat na iba pa ay pawang nasa malubhang kalagayan kabilang ang buntis.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari habang posibleng makasuhan ng reckless imprudence resulting to double homicide and multiple injuries ang drayber na si Dela Rama. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *