Ambassador Romualdez inako sablay sa Pfizer deal

Sinisi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez ang sarili sa pagkaantala ng delivery ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer dahil sa kabiguang magsumite ng Confidentiality Disclosure Agreement (CDA) sa tamang oras.

The post Ambassador Romualdez inako sablay sa Pfizer deal first appeared on Abante.

ambassador romualdez inako sablay sa pfizer deal - Ambassador Romualdez inako sablay sa Pfizer deal
f 1 - Ambassador Romualdez inako sablay sa Pfizer deal

Sinisi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez ang sarili sa pagkaantala ng delivery ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer dahil sa kabiguang magsumite ng Confidentiality Disclosure Agreement (CDA) sa tamang oras.

Sa panayam sa ambassador sa DZBB kahapon sinabi ni Romualdez na dapat ay tinawagan niya si Health Secretary Francisco Duque III para naipasa agad ang CDA.

“Sinasabi ko nga maybe I can share the blame kung ano ang nangyari. Dapat nga tinawagan ko na mismo si Sec. Duque,” pahayag ng opisyal.

“Puwede kong sabihin na ‘Secretary, kailangan na nating pirmahan muna ‘yan para puwede natin masabi,’” dagdag nito.

Nauna nang ibinunyag ni Senator Panfilo Lacson ang kabiguan ni Duque na magsumite ng CDA para sa bibilhing 10 million COVID-19 vaccines mula sa Pfizer sa Enero 2021.

The post Ambassador Romualdez inako sablay sa Pfizer deal first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *