Ambassador kinasuhan sa pagmatrato ng kasambahay

Tuluyan nang kinasuhan ang dating ambassador ng Pilipinas sa Brazil na si Marichu Mauro dahil sa umano’y pang-aabuso sa kanyang Pinay na kasambahay, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr.

The post Ambassador kinasuhan sa pagmatrato ng kasambahay first appeared on Abante.

ambassador kinasuhan sa pagmatrato ng kasambahay - Ambassador kinasuhan sa pagmatrato ng kasambahay
abante marichu - Ambassador kinasuhan sa pagmatrato ng kasambahay

Tuluyan nang kinasuhan ang dating ambassador ng Pilipinas sa Brazil na si Marichu Mauro dahil sa umano’y pang-aabuso sa kanyang Pinay na kasambahay, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr.

Ayon kay Locsin ipinaalam na n’ya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasampa ng kaso laban kay Mauro, isang career diplomat.

Gayunman ay hindi malinaw kung nahaharap si Mauro sa kasong administratibo o kriminal.

Ang dating embahador ay pinauwi ng Manila upang sumailalim sa imbestigasyon matapos ilabas ng GloboNews ng media sa Brazil ang mga CCTV videos na ipinapakita ang pagmamaltrato sa kanyang kasambahay sa iba’t ibang mga pagkakataon.

Sa mga clip, makikita si Mauro na sinapak niya sa ulo ang kasambahay, piningot ang tenga, at binato ng mop.

Dahil sa direktiba ng Malakanyang, bumuo si Locsin ng isang fact-finding team, na sinasabing ang DFA ay naninindigan sa resolusyon na tumugon sa kaso “in accordance with and to the fullest extent of the law.”

Ang kasambahay ay nakabalik sa kanyang bayan sa Koronadal City, South Cotabato.

Si Mauro ay itinalaga bilang isang envoy sa Brazil noong Pebrero 2018. Bago niya makuha ang posisyon, siya ay naatasan bilang consul general sa Philippine General Consulate sa Milan, Italy. (Mina Navarro)

The post Ambassador kinasuhan sa pagmatrato ng kasambahay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *