Ambassador Kim sa PH gov’t: Dayuhang investor luwagan

HINILING kahapon ni US Ambassador Sung Kim sa mga bagong halal na mga mambabatas na i-liberalize ang foreign investment restriction sa bansa.

The post Ambassador Kim sa PH gov’t: Dayuhang investor luwagan appeared first on Abante News Online.

ambassador kim sa ph govt dayuhang investor luwagan - Ambassador Kim sa PH gov’t: Dayuhang investor luwagan
kim 4 - Ambassador Kim sa PH gov’t: Dayuhang investor luwagan

HINILING kahapon ni US Ambassador Sung Kim sa mga bagong halal na mga mambabatas na i-liberalize ang foreign investment restriction sa bansa.

Sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery sa Quezon City, sinabi ni Kim ang kanyang pagnanais na magkaroon ng liberalization upang maging maluwag ang pasok ng mga investor na nagnanais na magla­gak ng malaking negos­yo sa Pilipinas.

Naniniwala ang kinatawan ng Amerika na sagabal ang ilang umiiral na polisiya na naghihigpit sa MGA malalaking investor sa bansa.

Nais ni Kim na ma­kabubuting i-liberalize at ipareho na lamang ito ng Pilipinas sa malalaking investor kagaya ng ginagawa sa mga kalapit na bansa sa Asya upang mas maging maganda ang daloy ng pagnenegosyo sa halip na bigyan ng matinding restriction ang malala­king negosyante.

Samantala, binati ni Kim ang mga senador na nanalo sa nagdaang mid-term election.

Aniya, sa naganap na resulta ng eleksyon kung saan halos nanalo ang mga kandidato ng Pangulong Duterte, nagpapakita lamang na todo suporta pa rin ang taumbayan sa Pangulo. (Riz Dominguez)

The post Ambassador Kim sa PH gov’t: Dayuhang investor luwagan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *