Ambassador Kim nagpaalam na, tikom sa kapalit

Nagpaalam na si US Ambassador to the Phili­ppines Sung Kim sa isang pagtitipon sa Baguio City noong Biyernes dahil natapos na niya ang tatlong taon na tour of duty.

The post Ambassador Kim nagpaalam na, tikom sa kapalit appeared first on Abante News Online.

ambassador kim nagpaalam na tikom sa kapalit - Ambassador Kim nagpaalam na, tikom sa kapalit
Ambassador Kim - Ambassador Kim nagpaalam na, tikom sa kapalit

Nagpaalam na si US Ambassador to the Phili­ppines Sung Kim sa isang pagtitipon sa Baguio City noong Biyernes dahil natapos na niya ang tatlong taon na tour of duty.

Naging host si Kim ng selebrasyon ng Philippine American Independence Day na ginanap sa Camp John Hay.

Tikom naman ang bibig ni Kim sa pangalan ng magiging kapalit niya pero tiniyak nitong ipagpapatuloy ng susunod na ambassador ang pagpapalawak ng ugnayan sa Pilipinas.

“I’m sure Washington understands the importance of the relationship and will send someone very capable of mana­ging the relationship,”

Si Kim ay ililipat sa Indonesia pero kailangan­ pa itong aprubahan ng US Senate foreign relations committee.

Nauna nang itinanggi ng US Embassy na ang ipapalit kay Kim ay si Mina Chang, deputy assistant secretary ng State Department.

Mismong ang Malacañang ang nagpalutang ng espekulasyon na si Chang ang magiging kapalit ni Kim.

Si Chang ay may hawig umano sa aktres na si Angelina Jolie.

Noong Setyembre­ 2018, inanunsyo ng White House ang kanilang intensyon na italaga si Chang bilang assistant administration ng US Agency for International Development (USAID) para sa Asia bureau.

The post Ambassador Kim nagpaalam na, tikom sa kapalit appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *