ALS program walang ‘standard metrics’

Sa kabila ng daang milyong pondo na inilalaan para sa Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd) wala naman umanong maipakitang datos ang kagawaran para malaman kung naging matagumpay ba ito o hindi.

als program walang standard metrics - ALS program walang ‘standard metrics’
ABANTE ALS - ALS program walang ‘standard metrics’

Sa kabila ng daang milyong pondo na inilalaan para sa Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd) wala naman umanong maipakitang datos ang kagawaran para malaman kung naging matagumpay ba ito o hindi.

Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian matapos madismaya sa pagdinig ng Senate committee on basic edu­cation, arts and culture dahil sa nabigo ang ALS Task Force na magbigay ng listahan ng ‘success indicator’ sa naturang programa.

“Part of the reason why ALS is not taken seriously is because of lack of standard metrics. Wala tayong nakukuhang concrete information. Parang may masa­bi lang na meron tayong ALS,” sabi ni Gatchalian.

Inatasan nito ang DepEd na manga­lap at magbigay ng datos kung ilan na ba ang bilang mga nagtapos ng ALS ang nakapagtrabaho o bumalik sa formal school system.

Noong 2018, pinondohan ng gobyerno ng P533 milyon ang ALS habang P633 milyon naman noong 2017.

“Every year, we are allocating budget to this. It’s not big, but it’s still hard-earned money by the taxpayers”, sabi ng senador.

Ang nakakadismaya pa aniya dito, umaabot lamang sa pagitan ng 30 hanggang 40 porsiyento ng ALS learner ang pumapasa sa Alternative Learning System Accreditation and Equivalency (ALS A&E) Test.

Ang mga pumapasa sa ALS A&E Test ay tumatanggap ng certificate o diploma na katumbas ng tinatanggap ng mga nagtapos sa junior high school.
“Having success measures for ALS will put accountability on DepEd, which has sought the program’s institutiona­lization,” ani Gatchalian.

Ayon naman kay Roderick Corpuz, Supervising Education Program Specialist­ ng ALS Task Force, kung ma-institutionalize umano ang ALS, magkakaroon sila ng sapat na tao, pondo at pasilidad.

Sabi ni Corpuz, nais nilang magkaroon ng permanenteng istraktura para sa ALS na dati ay nasa ilalim ng Bureau of ALS tapos nailipat sa Bureau of Curriculum Instruction at ngayon isang task force na lang.

Sa ngayon, ang ALS ay may 4,876 mobile school teacher, 9,535 ALS teacher,­ 333-full time district house coordinator, at 109 part-time district coordinator.

Subalit giit ni Corpuz, hindi umano ito sapat para sa 623,329 na enrollee sa nasabing sistema. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *