Alladin? Kelot sumampa sa ibabaw ng eroplano

Mga gagawin talaga ng tao para lang makatipid–gaya ng pagsakay, hindi sa loob, kundi sa ibabaw ng eroplano.

alladin kelot sumampa sa ibabaw ng eroplano - Alladin? Kelot sumampa sa ibabaw ng eroplano
airplane - Alladin? Kelot sumampa sa ibabaw ng eroplano

Mga gagawin talaga ng tao para lang makatipid–gaya ng pagsakay, hindi sa loob, kundi sa ibabaw ng eroplano.

Sa kuha ni Helen Young, nakasampa ang isang lalaki sa isang eroplano ng British Airways sa London City Airport.

Nakadapa ito sa bandang ulunan, at hindi malinaw kung paano ito nakaakyat doon, maging kung palapag na o paalis pa lamang ang nasabing sasakyan.

“@British_Airways Good to see you gave Aladdin an upgrade,” biro pa ng poster.

Kung anu-anong caption na ang pinauso ng mga netizen sa tweet ni Young nitong Oktubre 10, 2019.

As of 10:50 am, umani na ang tweet nang 9.6K retweets at 32.7K likes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *