All Day supermarket pasaway sa SRP

Nagmistulang walang silbi ang paglalagay ng Department of Agriculture ng bagong suggested retail price (SRP) sa baboy sa All Day Supermarket na pag-aari ng pamilya Villar.

The post All Day supermarket pasaway sa SRP first appeared on Abante.

all day supermarket pasaway sa srp - All Day supermarket pasaway sa SRP
All Day supermarket - All Day supermarket pasaway sa SRP

Nagmistulang walang silbi ang paglalagay ng Department of Agriculture ng bagong suggested retail price (SRP) sa baboy sa All Day Supermarket na pag-aari ng pamilya Villar.

Itinaas ng DA ang SRP ng baboy sa Metro Manila na maituturing pag-amin nito pormal na pagkilala sa problema ng suplay.

Sa Ilalim ng DA Administrative Circular No. 14 na naging epektibo nung October 29 nang nilagay na ito sa website ng DA, itinakda ang SRP ng liempo ng baboy sa P280 per kilo mula sa P250 per kilo noong June 25, at ang pigue at kasim sa P260 per kilo mula sa P190.

Sa All Day Supermarket sa Vista Mall sa Philam Village sa Pamplona sa Las Pinas, ang presyo ng liempo ay nasa P429 per kilo at P419 per kilo samantalang hanggang P280 lamang ito dapat kung susundin ang DA. Ang liempo ang siya ring tinatawag na pork belly o country style ribs.

Ang kasim at pigue naman ay nasa P295 per kilo at nagiging P315 per kilo ito pag hiniwa na ng mas maliliit na tinatawag na menudo cut, samantalang P260 per kilo lamang dapat ito.

Walang ginawa ang DA nang unang iniulat na nilabag ng Allday Supermarket ang SRP ng baboy at manok noong Marso at sinabi lamang nito na sa palengke lamang ipinapatupad ang SRP.

Sa AC No. 14 na pinirmahan nung October 28, sinabi ni Dar na ang SRP ay dapat sinusunod ng mga palengke at supermarket sa Metro Manila. (Eileen Mencias)

The post All Day supermarket pasaway sa SRP first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *