Alejano: Mga Pinoy worker unahin sa China-funded project

NAGBABALA ang kandidato ng Otso Diretso at Magdalo congressman na si Gary Alejano sa sunod-sunod na mga proyekto ng pamahalaan kasama ang Tsina dahil aniya, ang ­dayuhang bansa raw ay may mahaba nang kasaysayan ng korapsyon sa mga dinadala nitong ­programa sa Pilipinas.

The post Alejano: Mga Pinoy worker unahin sa China-funded project appeared first on Abante News Online.

alejano mga pinoy worker unahin sa china funded project - Alejano: Mga Pinoy worker unahin sa China-funded project
alejano - Alejano: Mga Pinoy worker unahin sa China-funded project

NAGBABALA ang kandidato ng Otso Diretso at Magdalo congressman na si Gary Alejano sa sunod-sunod na mga proyekto ng pamahalaan kasama ang Tsina dahil aniya, ang ­dayuhang bansa raw ay may mahaba nang kasaysayan ng korapsyon sa mga dinadala nitong ­programa sa Pilipinas.

Bunsod ito ng mga sunod-sunod na proyekto ng administrasyong Duterte kasama ang Tsina sa gitna ng patuloy na pagtatalo ukol sa ­militarisasyong ginagawa ng dayuhang bansa sa mga isla ng Pilipinas.

Diin ni Gary na sa halip na bigyan ng pantay na pagkakataon ang bansang handang mag-invest sa Pilipinas, tahasang pinapaboran ng pamahalaan ni Duterte ang Tsina. Aniya, nilalagay nito ang mga Pilipino sa alanganin dahil mas binibigyan ng trabaho ang mga Tsino kaysa mga manggagawang Pinoy.

“Unang dapat ikabahala ay ang trabaho ng mga Pilipino. I fear that with more China-funded projects, Filipino workers will be ignored by this government in favor of them,” ani Gary.

Bukod dito, pinunto ni Gary na lumalaki rin ang utang ng Pilipinas sa Tsina dahil sa mga proyektong ito. Giit niya na maaaring gamitin ng Tsina kalaunan ang pagkabaon ­natin sa utang para makakuha ng mas maraming pabor mula sa Pilipinas.

Kabilang sa mga proyekto ng gobyerno na pinopondohan ng Tsina ay ang tinatayang pagbuo ng Kaliwa Dam at ang Davao-Samal Bridge Project at ang Panay-Guimaras-Negros Interisland project.

Bukod kay Gary, kabilang sa Otso Diretso slate sina Senator Bam Aquino, ang mga nagbabalik na lingkod-bayan na sina dating senador Mar Roxas at dating Congressman Erin Tañada; at ang mga bago ring sasabak sa politika: dating Solicitor General Pilo Hilbay, ang ginagalang na human rights lawyer na si Chel Diokno at election lawyer na si MacaRomy Macalintal, at ­dating ARMM assemblywoman na si ­Samira Gutoc.

The post Alejano: Mga Pinoy worker unahin sa China-funded project appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *