Alejano kay Duterte: Mas marami akong nagawa sa Kongreso

Bumuwelta ang Otso Diretso candidate na si Gary Alejano kay Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng patuloy nitong panlalait sa kanya at sa iba pang kandidato ng oposisyon.

The post Alejano kay Duterte: Mas marami akong nagawa sa Kongreso appeared first on Abante News Online.

alejano kay duterte mas marami akong nagawa sa kongreso - Alejano kay Duterte: Mas marami akong nagawa sa Kongreso
abante alejano 2 - Alejano kay Duterte: Mas marami akong nagawa sa Kongreso

Bumuwelta ang Otso Diretso candidate na si Gary Alejano kay Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng patuloy nitong panlalait sa kanya at sa iba pang kandidato ng oposisyon.

Ayon kay Gary na kinatawan ng Magdalo Party-list sa Kongreso, mas marami pa siyang nagawa kaysa sa Pangulo noong isang termino nito sa Kamara.
Dagdag pa ng dating Marines captain, mas marami pa siyang gagawin kapag naihalal na sa Senado.

“Mr. President magpa-research ka ng performance ko sa House of Rep. Sayang ang laki ng intel fund mo, sa troll mo lang kinukuha ang info mo,” ani Alejano sa kanyang Twitter account.

“After that, compare mo sa iyong records when you were a congressman (or to any of your Senate bets).”

Isa si Gary sa mga pinakamalakas na boses ng oposisyon, lalo na sa tila pagkiling ni Pangulong Duterte sa China at pagsasantabi ng kanyang administrasyon sa makasaysayang arbitral ruling na nagpapatunay na teritoryo ng Pilipinas ang mga lugar na sakop ng West Philippine Sea.

Todo naman ang birada ni Duterte laban kay Alejano, na isa sa mga nag-aklas laban sa administrasyong Arroyo sa gitna ng kaliwa’t kanang korapsyon noong panahon na iyon.

Inako ito ni Gary, at sinabi na ginawa niya ito “hindi laban kundi para sa taumbayan.”

The post Alejano kay Duterte: Mas marami akong nagawa sa Kongreso appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *