Albayalde sa mga police commander: ‘Wag papormahin ang jueteng

Albayalde sa mga police commander: ‘Wag papormahin ang jueteng

DAHIL sa pagsasara ng mga laro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) inamin ng Philippine National Police (PNP) na posibleng mamayagpag muli ang jueteng at iba pang illegal numbers game.

albayalde sa mga police commander wag papormahin ang jueteng - Albayalde sa mga police commander: ‘Wag papormahin ang jueteng
albayalde 3 - Albayalde sa mga police commander: ‘Wag papormahin ang jueteng

DAHIL sa pagsasara ng mga laro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) inamin ng Philippine National Police (PNP) na posibleng mamayagpag muli ang jueteng at iba pang illegal numbers game.

“That is a possibility. We are not saying it will happen but it’s a possibility na pag-usbong ulit ng illegal numbers game particularly ‘yung jueteng. We are currently validating information we habe been receiving regarding this,” saad ni Albayalde sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame.

Dahil dito binalaan ni Albayalde ang lahat ng mga police commander na siguraduhing hindi makakapag-operate ang jueteng sa kanilang nasasakupan habang suspendido ang mga laro ng PCSO.

“We will make arrest if there will be operations of these illegal numbers games like jueteng,” pahayag ni Albayalde.

Samantala sinabi pa ni Albayalde na may kabuuang 30,284 na lotto, small town lottery (STL) outlet at iba pang laro ng PCSO at peryahan ng bayan ang ipinasara ng kapulisan hanggang kahapon base na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa bilang ang 20,241 outlet ng STL, 6,313 Lotto outlet, 190 small town lottery drawing center, 2,762 outlet ng peryahan ng bayan, at 778 Keno outlet.

Wala naman umanong naganap na puwersahang pagsasara sa mga nasabing outlet ayon pa kay Albayalde.

“In fact yung inaabutan namin nagsasara na kaagad. Yung iba naman sarado na talaga since narinig nila madaling araw palang especially sa mga mall talagang hindi na nila pina open. Meron naman yung inabutan namin talagang sinasara na in compliance to the directive of the President. Wala kaming whatsoever resistance na naexperience sa mga iba ibang operators,” paliwanag ni Albayalde.

Matatandaang Sabado nang gabi ng ianunsyo ni Pangulong Duterte ang pagsasara ng mga laro ng PCSO at Peryahan ng Bayan nationwide dahil sa umanoy malawakang corruption. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *