Albayalde sa kanyang relief order: Tsismis lang ‘yan!

Tinawanan lang at tinawag na tsismis ni Philippine National Poice (PNP) chief Gene­ral Oscar Alba­yalde ang ulat na may relief order na umano siya at may ipinalit na rin sa kanyang puwesto.

albayalde sa kanyang relief order tsismis lang yan - Albayalde sa kanyang relief order: Tsismis lang ‘yan!
albayalde 4 - Albayalde sa kanyang relief order: Tsismis lang ‘yan!

Tinawanan lang at tinawag na tsismis ni Philippine National Poice (PNP) chief Gene­ral Oscar Alba­yalde ang ulat na may relief order na umano siya at may ipinalit na rin sa kanyang puwesto.

Base sa impormasyon may relief order na umano si Albayalde at pansa­mantalang itina­laga bilang PNP chief officer-in-charge (OIC) si Lt. Gen. Archie Gamboa na kasalukuyang deputy chief for operations.

Giit ni Albayalde, tsismis lang ang natu­rang impormasyon dahil wala pa naman siyang natatanggap na relief order pero binigyang-diin ng hene­ral na ‘prerogative’ ng Pangulo kung sino ang gusto niyang maging PNP chief.
“Ha ha ha. I don’t know napupulitika ba kayo? Hopefully this is not about politics. Hindi sana ito. Eversince noon pa we would like the PNP to be isolated from politics. I think kilala na natin ang Presidente. He announces the next gaya ng chief of staff, he announce it around a week or less than 10 days before the assumption. Let’s just wait. Let’s not second guess the President or preempt kung ano magi­ging decision niya,” saad ni Albayalde.

Hindi naman matukoy ni Albayalde kung ano ang motibo sa pag­lutang ng impormasyon.

Matatandaang nitong Sabado ay ginawaran na ng testimonial honor ng Philippine Military Academy (PMA) si Albayalde na nakatakdang magretiro sa Nobyembre 8 kasabay ng kanyang 56 na kaa­rawan na siyang mandatory retirement age sa PNP at AFP.

Kumalat din ang ba­litang sumulat umano kay Pangulong Rodrigo Duterte si Directorate for Integrated Police Ope­rations (DIPO) for Northern Luzon Police Brig. Gen. Gilbert Cruz kung saan prinisinta umano nito ang kanyang sarili bilang kapalit ni Albayalde.

Itinanggi naman ni Cruz ang sulat na kumalat sa social media pero inamin nitong handa siyang pamunuan ang PNP kung ita­talaga siya ng Pangulo. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *