Albayalde nag-alsa balutan na sa Crame

NAG-IMPAKE na ng kanyang gamit si dating Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde sa PNP white house, ang opisyal na residente ng hepe ng kapulisan sa Camp Crame.

albayalde nag alsa balutan na sa crame - Albayalde nag-alsa balutan na sa Crame
Oscar Albayalde - Albayalde nag-alsa balutan na sa Crame

NAG-IMPAKE na ng kanyang gamit si dating Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde sa PNP white house, ang opisyal na residente ng hepe ng kapulisan sa Camp Crame.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac pagkatapos na ianunsyo ni Albayalde ang kanyang pagbaba sa puwesto noong Lunes ay nagsimula na itong magligpit ng kanyang mga gamit sa PNP white house.

Wala na rin daw ngayon sa Camp Crame ang dating PNP chief dahil nanatili na ito sa kanyang bahay sa Pampanga.

Paliwanag ni Banac maagang nagligpit ng kanyang mga gamit si Albayalde upang ihanda ang white house sa susunod na PNP chief na inaasahang iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte bago mag-October 29, 2019, ang assumption of command ceremony para sa bagong PNP chief.

Matatandang nagbitiw sa kanyang puwesto si Albayalde dahil sa isyu ng ‘ninja cops’ kung saan isinasangkot siya ng ilang dating heneral sa isinagawang senate hearing. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *