Albayalde diniin sa ‘ninja cops’

LALO pang nadiin si Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde sa isyu ng drug recycling na kinasasangkutan ng mga dating tauhan sa Pampanga police.

albayalde diniin sa ninja cops - Albayalde diniin sa ‘ninja cops’
albayalde 7 - Albayalde diniin sa ‘ninja cops’

LALO pang nadiin si Philippine National Police (PNP) Chief General Oscar Albayalde sa isyu ng drug recycling na kinasasangkutan ng mga dating tauhan sa Pampanga police.

Ito’y matapos ibunyag ni retired Police General Rudy Lacadin, sa pagpapatuloy ng imbestigayon ng Senado sa kaso ng diumano’y ‘ninja cops’, na tumawag sa kanya si Albayalde hinggil sa nakabinbing kaso noon ng 13 dati niyang tauhan sa Pampanga police.

“I remember he was I think PD (provincial director) of Pampanga, he called me. Naalala ko (sabi niya), ‘Sir, naimbestigahan ninyo daw kami.’ So sabi ko, ‘Yes, Oca. I did not inform you na nagco-conduct ako ng investigation,” pahayag ni Lacadin.

“But if you have nothing to hide wala ka naman dapat katakutan.’ Ang sabi niya, I don’t know if jokingly he said, ‘Actually sir konti lang naman napunta sa akin diyan’. I did not elaborate because I don’t want to be influenced in the validation process,” sabi pa umano sa kanya ni Albayalde.

Nangyari umano ito nang malaman ni Albayalde na siya (Lacadin) ang inatasan ni dating PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Benjamin Magalong na imbestigahan ang nangyaring drug raid ng dating mga “bata” ni Albayalde sa pangunguna ni Major Rodney Baloyo.

Si Lacadin ang deputy director for ope­rations ng CIDG na nag-imbestiga noon sa kaso ng ‘ninja cops’.

Pero buwelta naman ni Albayalde, hindi umano niya alam ang motibo kung bakit nagsabwatan ang mga dating opisyal para idiin siya sa kaso ng 13 ‘ninja cops’.

“I really don’t know ano po ‘yung conspiracy dito. It seems that everybody are ganging up on me, I really do not know. Hindi ko po alam kung ano ang against niya sa akin ni General Lacadin. Pero kung sabihin mong sinabi ko sa iyo ‘yun, why was I not charged? After all this investigation, tatlo na ang nag-investigate, why I was not charged?” sabi ni Albayalde.

Ipinagtataka nito kung bakit ngayong lang umano pinalutang ang isyu na itinaon pa kung kailan malapit siyang magretiro.

“Why after six years? Why didn’t this come out during the conduct of investigation?” tanong pa nito.

Tinawag naman ni Magalong na sinungaling si Albayalde. “Someone here is lying and I’m pretty sure it’s not General Lacadin, it’s not me, it’s not the other officers but someone else. Siya (Albayalde) po,” diin ni Magalong sabay turo kay Albayalde.

Sa opening statement ni Albayalde, mariing pinabulaanan ng PNP chief na “bata” niya si Major Baloyo at ang 12 pang pulis na sangkot sa kontrobersyal na drug buse sa Mexico, Pampanga noong 2013.

Sinabi ni Albayalde na bago pa man siya natalaga sa Pampanga Provincial Police Office noong Mayo 1, 2013 ay nadatnan na niya si Baloyo at ang 12 pang pulis doon.

“Bata is a general term used sa mga tao. Kapag sinabing batang sarado ‘yan ay bitbit ko from the very beginning,” paliwanag ni Albayalde.

Pinapaaresto naman ng Senado ang isang pulis na sangkot diumano sa kontro­bersyal na operasyon sa Pampanga noong 2013 matapos ang ilang ulit na hindi nito pagsipot sa hearing.

Ito’y matapos ma-cite for contempt si Master Sergeant Ronald Bayas Santos dahil sa hindi nito pagdalo sa pagdinig ng Senado sa isyu ng ‘ninja cops’ kahapon.

Ayon kay Senador Richard Gordon, chairman ng Senate Justice and Human rights Committee, ilang beses na umanong inisnab ni Santos ang kanilang imbitasyon kahit na pina-subpoena na nila ito.

“We’ve been looking for him and we requested that he be subpoenaed already. Ronald Santos is very important to this case and we’ve been trying to get him,” sabi ni Gordon. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *