Alan kakalas ‘pag ‘di PINILI ni Duterte

INAASAHAN na ang pagkalas ni Taguig Representative-elect Alan Peter Cayetano sa administrasyon kapag hindi ito pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging Speake­r ng 18th Congress sa Hulyo.

The post Alan kakalas ‘pag ‘di PINILI ni Duterte appeared first on Abante News Online.

alan kakalas pag di pinili ni duterte - Alan kakalas ‘pag ‘di PINILI ni Duterte
ABANTE alan cayetano 1 - Alan kakalas ‘pag ‘di PINILI ni Duterte

Ni JC Cahinhinan

INAASAHAN na ang pagkalas ni Taguig Representative-elect Alan Peter Cayetano sa administrasyon kapag hindi ito pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging Speake­r ng 18th Congress sa Hulyo.

Ito ang isiniwalat ng mapagkakatiwalang source ng Abante na siyang nakakaalam sa tunay na score ng Speakership race sa Kamara.

Tanging ang basbas na lang umano ni Pangulong Duterte ang pag-asa ni Cayetano na masungkit ang liderato ng Kamara. Si Duterte ang pinuno ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) kung saan mayroon silang 82 miyembrong congressman.

Si Cayetano ay manok ng Nacionalista Party (NP) at National Unity Party (NUP) sa labanan ng pagka-speaker pero kulang ang kanyang bilang para manalo kung hindi kikilos si Pangulong Duterte.

Minsan nang pinabayaan ng Pa­ngulo si Cayetano nang tumakbo itong Senate President noong 2016 kung saan nagwagi ang PDP-Laban president na si Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III.

Wala ring nakuhang suporta ang dating foreign affairs secretary sa party-list bloc dahil hati ang suporta nila sa dalawa pang kandidatong sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at incoming Leyte Rep. Martin Romualdez. Si Velasco ay nag-commit na 20% ng komite sa Kamara ay mapupunta sa party-list bloc.

Bad shot din si Cayetano sa mga anak ng Pangulo na sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Davao City Representative-elect Paolo Duterte. Nabatid na may pasasabugin umano si Mayor Sara laban kay Ca­yetano ngayong Hunyo 24.

Nauna nang isiniwalat ni Mayor Sara na nagbanta si Cayetano na magigiba ang Duterte group kapag inendorso ng Pangulo si Velasco. Pero sa huling impormasyon, nagbanta rin umano si Cayetano na kakalas ang ilang cabinet member kapag hindi siya ang napiling House Speaker.

Sinabi ni Senator-elect Bong Go na sa Hunyo 28 pa magdedesisyon si Pangulong Duterte kung sino ang ieendorsong kandidato sa pagka-speaker pero may mga hiwalay na ulat na 72 oras bago ang State-of-the-Nation Address (SONA) sa Hulyo magdedesisyon ang Pangulo.

Ayon naman sa political analyst na si UE Law Dean Amado Valdez, malabong kumalas sa administrasyon si Cayetano dahil kailangan niya ang Malacañang para sa bayan niyang Taguig. Hirap namang magkomento ang political analyst na si Ramon Casiple pero posibleng masaktan si Ca­yetano kapag pinabayaan muli siya ni Pangulong Duterte.

Pero ayon sa kongresistang ayaw magpabanggit ng pangalan, si Cayetano ang ieendorso ni Pangulong Duterte bilang Speaker.

The post Alan kakalas ‘pag ‘di PINILI ni Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *