ALAMIN: 11 produkto na naka-price freeze

Sisimulan ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng price freeze sa ilang piling paninda.

The post ALAMIN: 11 produkto na naka-price freeze first appeared on Abante.

alamin 11 produkto na naka price freeze - ALAMIN: 11 produkto na naka-price freeze
Price Freeze - ALAMIN: 11 produkto na naka-price freeze

Sisimulan ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapatupad ng price freeze sa ilang piling paninda.

Ito’y matapos isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong Luzon sa state of calamity, kasunod ng serye ng mga bagyo na humagupit sa nasabing island group.

Ayon sa DA, kontrolado muna ang presyo kada kilo ng mga sumusunod:

Bangus (cage-cultured) – P169
Tilapia (pond-cultured, fresh-chilled) – P120
Imported na galunggong – P180
Local na galunggong – P140
Pork pigue/kasim – P260
Pork liempo – P280
Manok (buo) – P130
Asukal (refined) – P50
Asukal (brown) – P45
Pulang sibuyas (fresh) – P100
Bawang (fresh, imported) – P100
Imported na bigas: special – P52, premium – P43, well-milled – P38
Local na bigas: special – P53, premium – P45, well-milled – P40
Itlog ng manok (medium) – P6.50 kada piraso
Cooking oil: P25 kada 30 ml, P50 kada 1 litro

Hindi katulad sa suggested retail price (SRP) kung saan binibigyan ng 10-percent margin ang mga tindero na taasan o bawasan ang presyo ng binebenta, hindi pwedeng baguhin ang tinakdang halaga sa price freeze.

Sinumang lalabag sa price control ay pagmumultahin nang mula P5,000 hanggang P2 milyon, at makukulong nang mula lima hanggang 15 taon. (SDC)

The post ALAMIN: 11 produkto na naka-price freeze first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *