Akyat-bahay laglag sa tanod

SWAK sa kulungan ang isang 21-anyos na lala­ki nang nakuwelyuhan ng mga barangay tanod matapos pumasok at tumangay ng mahigit P31,000 halaga ng alahas at gadget sa loob ng isang bahay sa Dasmariñas City, Cavite.

akyat bahay laglag sa tanod - Akyat-bahay laglag sa tanod
kulong 4 - Akyat-bahay laglag sa tanod

SWAK sa kulungan ang isang 21-anyos na lala­ki nang nakuwelyuhan ng mga barangay tanod matapos pumasok at tumangay ng mahigit P31,000 halaga ng alahas at gadget sa loob ng isang bahay sa Dasmariñas City, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Dasmariñas City Custodial Center ang suspek na si Aldrin Sa­mortin dahil sa relamo ni Kristine Joyce Abrogar, 28, isang negosyante ng Barangay Luzviminda 1, Dasmariñas City.

Sa ulat ni P/SSgt Lester Luke Baysa ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-9:40 kahapon nang umaga nang naaresto ng mga tanod ng nasabing barangay ang suspek matapos ang isinagawang follow up operation.

Nauna rito, inakala ng suspek na pumasok sa trabaho ang biktima kaya puwersahan niyang sinira ang bakod ng bahay hanggang sa nakapasok ito sa loob at mabilis na nilimas ang relo, singsing at DVD player.

Gayunman, nakita siya ng may-ari ng bahay kaya agad itong nakatakbo palabas dala ang mga tinagay na alahas kaya nagsumbong ang biktima sa mga barangay tanod na siyang tumugis sa suspek.

Bagama’t naibalik ang dalawang singsing, hikaw at relo na uma­bot sa P21,000, hindi na niya nabawi ang relo, DVD player at cellphone na umabot sa P10,600. (Gene Adsuara)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *