Aktres pakitang tao pagtulong

Nakaka-turn off itong isang kilalang aktres dahil puro balatkayo lamang pala ang ipinakikita sa publiko.

The post Aktres pakitang tao pagtulong first appeared on Abante.

aktres pakitang tao pagtulong - Aktres pakitang tao pagtulong
Abante Kartada 5 - Aktres pakitang tao pagtulong

Nakaka-turn off itong isang kilalang aktres dahil puro balatkayo lamang pala ang ipinakikita sa publiko.

Taliwas ito sa kanyang mga ginampanang papel sa pelikula na inaapi at mababa ang loob kaya nagustuhan at tinangkilik ng mga tao.

Alam nyo ba mga utaw na naghatid ito ng konting tulong para sa mga biktima ng bagyo sa isang bayan malapit sa Metro Manila pero may kundisyon.

Napili po ng staff ng network kung saan konektado si aktres ang isang paaralan na maraming evacuees at nais na exclusive nila ang buong araw para mamahagi ng tulong.

Ibig pong sabihin, dapat walang ibang grupo na mamamahagi ng ayuda sa buong araw maliban sa grupo ni aktres.

At isa pang kundisyon, gusto ng kampo ni aktres na magkaroon ng programa habang namamahagi ng relief goods, pero hindi pumayag ang principal ng paaralan.

Ipinaliwanag ng school principal sa mga alipores ni aktres na iniiwasan nila na magkaroon ng pagkakasakit lalo na sa COVID-19 dahil sa posibilidad na baka may isa na carrier sa mga ito.

Karamihan kasi sa mga namamahagi ng tulong sa typhoon victims na nasa paaralan ay walang sere-seremonya at walang programa, basta maiabot lang ang relief packs ay umaalis kaagad ang mga ito.

Walang nagawa ang kampo ni aktres kaya pumayag na lamang sa patakaran ng paaralan.

Heto na ang siste mga utaw, nang dumating sina aktres para mamahagi ng relief goods, mistulang may shooting dahil may director pa.

At ang nakakatawa, kakarampot lang naman pala ang dalang relief goods at paisa-isa ang bigay habang dino-document si aktres na nag-aabot ng mga ito.

Clue: Si aktres ay isa pinag-uusan ngayon dahil naging palaban sa gobyerno matapos ang masaklap na sinapit ng kanyang kinabilangang tv network. O gets na?

The post Aktres pakitang tao pagtulong first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *