Akbayan: Kamara kasuklam-suklam sa ‘Marcos holiday’

Tinawag ni Akbayan Chair Emeritus Etta Rosales na kasuklam- suklam at insulto ang pag- apruba ng Kamara sa panukalang nagdedeklara ng Septiembre 11 bilang ‘Marcos Holiday’ sa Ilocos Norte na bahagi ng paggunita ng kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

The post Akbayan: Kamara kasuklam-suklam sa ‘Marcos holiday’ first appeared on Abante.

akbayan kamara kasuklam suklam sa marcos holiday - Akbayan: Kamara kasuklam-suklam sa ‘Marcos holiday’
erlita - Akbayan: Kamara kasuklam-suklam sa ‘Marcos holiday’

Tinawag ni Akbayan Chair Emeritus Etta Rosales na kasuklam- suklam at insulto ang pag- apruba ng Kamara sa panukalang nagdedeklara ng Septiembre 11 bilang ‘Marcos Holiday’ sa Ilocos Norte na bahagi ng paggunita ng kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Rosales, sa gitna umano ng kinakaharap na kagutuman, kawalan ng trabaho at halos pabagsak ng public health system ng bansa ay mas pinagtuunan pa ng atensiyon ang panukala na walang kabuluhan at hindi nakakatulong sa mamamayang Pilipino bagkus sinasayang lamang ang pera ng taongbayan ay tanging ang mga Marcoses lamang umano ang magbebenepisyo.

Sinabi pa Rosales, bagama´t limitado o nakatuon lamang sa probinsiya ang deklarasyon ngunit hindi umano maaring palagpasin .

“We have learned from the painful lessons of the Marcos dictatorship that truth and democracy don’t die overnight, but through the slow and steady corruption of our collective memory and democratic institutions. We will not let our guard down. Today, it is Ilocos Norte. Tomorrow, it may be the entire country,” ayon pa kay Rosales.

Dahil dito, panawagan ni Rosales sa Senado na tutulan ang panukala at huwag magpadala sa laro ng Kamara dahil mas marami pa umanong mahahalagang panukala at usapin na dapat na tutukan.(Eralyn Prado)

The post Akbayan: Kamara kasuklam-suklam sa ‘Marcos holiday’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *