Airport, barko nalulusutan sa COVID test

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na itatapon sa mga probinsya ang sinumang airport official at personnel na magpapalusot sa mga bumibiyahe na hindi sumusunod sa ipinaiiral na health protocol kasabay ng banta ng bagong COVID.

The post Airport, barko nalulusutan sa COVID test first appeared on Abante.

airport barko nalulusutan sa covid test - Airport, barko nalulusutan sa COVID test
rapid test - Airport, barko nalulusutan sa COVID test

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na itatapon sa mga probinsya ang sinumang airport official at personnel na magpapalusot sa mga bumibiyahe na hindi sumusunod sa ipinaiiral na health protocol kasabay ng banta ng bagong COVID.

“There are reports that some people are skipping, na nakakalusot sila with the help of airport personnel at sa mga barko. I say this now as I have said it before: Do not do it kasi mayayari talaga kayo,” matigas na habilin ng Pangulo sa lingguhang mensahe sa publiko nitong Lunes.

Partikular na binalaan ng Presidente ay ang mga opisyal at tauhan ng Bureau of Quarantine at health personnel na nakatalaga sa mga paliparan sa bansa.

“Pag may pumasok isa dito, isa lang…kayong mga taga-health diyan, mga taga-quarantine, pagka may nahuli lang ako na isa, lahat kayo palitan ko,” anang Pangulo.

Itatalaga aniya ng Presidente sa mga probinsiya ang mga ito at dadalhin niya sa Manila ang mga nasa lalawigan.

“Just one incident tapos kayong lahat. I will assign you to the provinces and I will get the new ones from the other–magpalit kayo. If you want to be assigned in Zamboanga, Samar, Masbate, i will be the one,” dagdag ng Pangulo.

Sa kasalukuyan ay mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno ang pagpasok ng mga dayuhang pasahero sa Pilipinas mula sa 20 bansa na may naiulat na nagkaroon mg bagong COVID variant.(Aileen Taliping)

The post Airport, barko nalulusutan sa COVID test first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *