Ahas sinilid sa speaker

HINDI nagawang mailusot ang isang python na itinago sa isang bluetooth speaker matapos itong madiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport noong Linggo.

The post Ahas sinilid sa speaker appeared first on Abante News Online.

ahas sinilid sa speaker - Ahas sinilid sa speaker
ahas - Ahas sinilid sa speaker

By Mina Aquino

HINDI nagawang mailusot ang isang python na itinago sa isang bluetooth speaker matapos itong madiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport noong Linggo.

Ayon sa BoC, ang 20-pulgadang buhay na python ay dinala sa Department of Environment at Natural Resources (DENR).

Sa ulat ng BoC, ang isang python ay maaaring humaba nang hanggang 32 talampakan at maaring lunukin ang isang tao o malaking hayop.

Kasabay nito, pinaalalahanan ang publiko na ang pag-import, pag-export, at panga-ngalakal ng mga hayop sa wildlife nang walang permit ay iligal at isang paglabag sa Republic Act 9147 (Wildlife Resour-ces Conservation and Protection Act) kaugnay sa RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

Kasalukuyan pang inaalam kung sino ang nagmamay-ari sa naturang ahas hayop.

The post Ahas sinilid sa speaker appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *