Aguirre bumuwelta rin kay Tulfo

vitaliano-aguirre

PINAGHARAP rin ng kasong libelo ni dating Justice secretary Vitaliano Aguirre ang kolumnistang si Ramon Tulfo, dahil umano sa malisyoso at nakakasirang co­lumns na sinulat at Facebook posts noong Abril.

aguirre bumuwelta rin kay tulfo - Aguirre bumuwelta rin kay Tulfo
vitaliano aguirre - Aguirre bumuwelta rin kay Tulfo

PINAGHARAP rin ng kasong libelo ni dating Justice secretary Vitaliano Aguirre ang kolumnistang si Ramon Tulfo, dahil umano sa malisyoso at nakakasirang co­lumns na sinulat at Facebook posts noong Abril.

Maliban kay Tulfo na kinasuhan ng four counts ng libel at nine counts ng cyberlibel ay nadamay sa isinampang kaso sa Manila Prosecutor’s Office ang presidente at CEO ng Manila Times na si Dante Ang at mga editor ng nasabing pahayagan

Humihingi si Aguirre ng P150 milyong mo­ral damages, at mahigit P50 milyong exemplary fees at attorney’s fees mula sa mga kinasuhan.

Nag-ugat ang kaso sa mga column ni Tulfo na lumabas sa print at online version ng nasabing pahayagan parti­cular ang “Living the life of the rich and famous” na nalathala noong April 11, kung saan binansagan si Aguirre na protektor ng human trafficking syndicate sa NAIA.

Ani Aguirre ang mga isinulat ni Tulfo ay pawang “defamatory” Facebook posts kung saan inulit ang mga alegasyon noong Abril 9, Abril 13 at Hunyo 8.

“Perusal of the articles and the online posts would readily show that respondent Tulfo defamed and discredited my honor and integrity by imputing that I was corrupt when I was still Justice Secretary,” ani Aguirre sa kanyang isinampang kaso. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *